Una sa Balita

76 high-powered firearm nakumpiska ng PRO12 sa gunban

0 278

UMAABOT na sa 76 na malalakas na kalibre ng baril ang nakumpiska ng Police Regional Office (PRO) 12 mula nang ipatupad ng Commission on Elections (Comelec) ang gun ban para sa idaraos na May 13 midterm election.

Sa inilabas na datos ni Brig. Gen. Eleseo Tam Rasco, PNP Region 12 director, nakumpiska nila ang mga ito simula noong Enero 13, 2019 sa mga checkpoint gayundin sa inisyu nilang warrant of arrest sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon matapos si­mulan ang Comelec gun ban.

Ang Region 12 o Soccskargen ay binubuo ng mga lalawigan ng South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat and Sarangani, at mga siyudad ng Ge­neral Santos City, Cotabato, Koronadal, Tacurong at Kidapawan.

Samantala, ang South Cotabato naman ang nagtala ng pinakamaraming nakumpiskang armas sa nasabing rehiyon na umaabot sa 26; 19 sa Cotabato; 11 sa Sarrangani; 10 sa General Santos City; 9 sa Sultan Kudarat; at 1 sa Cotobato City.­(Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy