Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

754 sa PNP nagpositibo sa COVID

0 275

Umabot na sa 754 ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na nagpositibo sa COVID-19 sa buong bansa matapos dumagdag ang panibagong 45 pulis na tinamaan ng sakit.

Nasa 357 naman ng mga pulis ang gumaling na sa nasabing virus matapos ang panibagong 11 pulis na naka-recover, habang 9 ang nasawi.

Sa ngayon ay mayroon pa umanong 677 probable case habang 1,162 naman ang suspected case. Karamihan sa mga ito ay sumasailalim sa home quarantine at patuloy na mino-monitor ng PNP Health Service. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.