Una sa Balita

750 kabataan pinasaya ng Sports Peace Caravan

0 171

MAHIGIT 750 ­kabataan edad 13-16 mula sa Bangsamaro Autonomous Region ng Muslim Mindanao ang lumahok sa kauna-unahang Mindanao Sports Peace Caravan sa Cotabato hapon nang Martes sa BangsaMoro Sports Complex at ­Cotabato Polytechnic State ­College gymnasium.

Layunin na palawigin ang peace program ng gobyerno sa pamamagitan ng sports, masayang ­nagpartisipa ang kabataang ­Muslim, Kristiyano at ­Indeginous People (IP) sa basketball, volleyball, chess, sepak takraw, athletics, at football.

Nagsagawa muna sports clinic ang mga coach na dating national athletes at aktibong coaches na miyembro ng Armed Forces of the Philippines sa pagbibigay inspirasyon at pagtuturo sa mga kabataang kalahok para sa disiplina at tamang paglalaro.

Naniniwala si Bangsamoro Sports Commission Chairman Abdulraof Macacua, Al-Haj na dahil sa sports program na inilalatag ng Philippine Sports Commission, AFP, at Phil. Sports Institute, na makakatuklas ng mga manlalarong puwedeng ilaban sa international competitions. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy