Una sa Balita

75 timbangang may daya winasak sa Pangasinan

0 125

HINDI na mapapakinabangan ang mahi-git 75 timbangan na umano’y hindi akma ang timbang o mayroong pandaraya na nakuha sa pamilihang bayan makaraang wasakin ito ng mga tauhan ng Linga-yen local government unit (LGU) kamakalawa.

Sa pamununo ni Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil, kasama si Lingayen Police Station (LPS) chief-of-police P/Lt.Col. Theodore P­erez at marker supervisor Arnulfo Bernardo, sinira ang mga nakumpiskang timbangan gamit ang isang back hoe truck.

Ayon kay Bataoil, ipinag-utos din niya ang regu- lar na pag-momonitor ng pamunuan ng palengke sa mga ginagamit na timbangan ng mga nagnenegosyo sa nasabing bayan.

Samantala, sinabi ni Bernardo na dalawang timbangang bayan ang nakalagay sa palengke ng Lingayen na maaa-ring magamit ng mga mamimili sakaling may duda sila sa timbang ng kanilang pinamili.

Dito, nag-ikot din si Bataoil sa paligid ng palengke upang inspeksyunin ang ginawang clearing operation at kung tumupad ang mga nangakong kusang magbabaklas ng kanilang mga extensions.

(Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy