Una sa Balita

75 sultada sa Roligon ngayon

0 1,176

INAASAHAN ang mahabang pila ng mga sabungero sa air-conditioned Roligon Mega Cockpit para sa fourth round elims ng “RMC 29th Anniversary 5-Cock Derby” ngayong Huwebes, Peb. 28 tampok ang 75 sultada.

Matapos ang tatlong rounds, 12 pa lamang ang umiskor ng tatlong panalo.

Mas marami pang entries ang inaasahan sa hu­ling dalawang 3-cock elims sa Mar. 7 at 14 (P100,000 bawat araw sa three pointers).

“Those who will score three wins in the elims get a share of P100,000 day prize and needs two more wins for the championship,” ani Tiling Capitan ng Roligon.

Ang 2-cock finals: Mar. 21 (1, 1.5, 2 at 2.5 points taya ang P300,000 sa day champions) at Mar. 28 (3 points lamang).

Ibibigay ang premyong P3.5 milyon sa pasabong na ito ni Roligon CEO Dennis Ligon.

Sa mga nagpasok na ng dalawang entries, kalahati na lamang (P5,500) ang entry fee sa ikatlong pagsali.

Tawagan lamang ang 519-7345 (Roligon ­office), 0920-950-9090 (Shirley) at 0926-713-4069 ­(Tiling). (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy