Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

75 pa sa PNP sapol ng COVID

0 62

Panibagong 75 kaso ng COVID-19 ang naitala kahapon sa Philippine National Police (PNP).

Batay sa datos ng PNP Health Service, pumalo na sa 41,005 ang kabuuang bilang ng pulis na tinamaan ng naturang virus sa bansa.

Tumaas naman sa 39,768 ang bilang ng mga nakarekober matapos maitala ang 152 bagong nakaligtas sa COVID sa hanay ng kapulisan.

Umakyat naman sa 122 ang death toll rate ng ahensya matapos madagdagan ng isang bilang ng nasawi.

Sa ngayon ay nasa 1,115 na ang kabuuang bilang ng active COVID cases sa PNP.

Leave A Reply

Your email address will not be published.