Una sa Balita

75 kilo cocaine nabuko sa mga saging

0 277

NABUKO ng isang warehouse worker ang 75 kilo ng cocaine na itinago sa mga saging na ibibiyahe patungong Bulgaria.

Napag-alaman na ang kilo-kilong cocaine ay itinago sa mahigit 20,000 kahon ng saging na ibibiyahe mula Ecuador patungong Bulgaria.

Sa ulat, inilagay ang mga droga sa mga brick na nakabalot sa metal foil at inihalo sa kahon ng mga saging.

Nauna rito ay natuklasan umano ng warehouse worker ang may 2.5 kilo ng cocaine sa kahon ng saging kaya ipinagbigay-alam nito sa mga awtoridad ang nadiskubre sa warehouse ng fruit company na Varna and Plovdiv.

Nang halughugin ang warehouse ay tumambad ang kilo-kilong cocaine na itinago sa mga saging.

Ang nadiskubreng mga saging ay kabilang umano sa mga saging na naibiyahe na sa Romania.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy