Una sa Balita

75 Islamist hinatulan ng bitay sa Egypt

By
0 258

HINATULAN ng kamatayan ng Egyptian court nitong Sabado ang 75 miyembro at supporter ng Muslim Brotherhood dahil sa partisipasyon sa sit-in protest noong 2013 na nagresulta sa pagkamatay ng ilang daang katao matapos na buwagin ito ng pulisya.

Kabilang sa hinatulan ay ang ilang mamamahayag dahil umano sa kanilang partisipasyon sa mga protesta matapos matanggal si President Mohamed Morsy, isang Islamist at miyembro ng Brotherhood.

Hinatulan ang photo­journalist na si Mahmoud Abu Zaid na makulong nang limang taon, pero dahil noong Agosto 2013 pa ito nakadetine ay inaasahan na ang paglaya nito sa mga susunod na araw.

Umaabot sa 739 katao ang kinasuhan ng murder hanggang sa damage to property. Ang lider ng Brotherhood na si Mohammed Badie at 46 pang iba ay habambuhay na pagkabilanggo ang tinanggap na ­parusa.

Kinastigo naman ng Amnesty International ang ibinabang sentensiya matapos ang mass ­trial sa mga akusado.

“The Egyptian authorities should be ashamed. We demand a retrial in an impartial court and in full respect of the right to a fair trial for all defendants, without recourse to the death penalty,” ayon kay senior Amnesty official Najia Bounaim.