Una sa Balita

74 anyos na biyuda patay sa sunog

0 515

Patay ang isang 74-anyos na lola matapos hindi ito nakalabas sa nasusunog na bahay sa bayan ng Narra sa lalawigan ng Palawan Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Conchita Basan Quimaco, biyuda, residente ng Sitio Mariwara, Barangay Princess Urduja ng nabatid na bayan, ito ay nagtamo ng mga sunog sa katawan dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Sa ulat ng Narra Municipal Police Station (MPS), dakong alas 7:20 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa bahay ng biktima na nataong nag-iisa lang sa kanyang tahanan.

Ayon sa saksing si Christelyn Rosales, kapitbahay ng biktima, kasalukuyan siyang nasa kanilang bahay ng makitang nasusunog ang bahay ng biyuda.

Mabilis umano siyang humingi ng tulong sa mga kapitbahay na agad namang nagtulong-tulong na maapula ang sunog.

Subalit dahil sa mabilis ang pagkalat ng apoy sa buong kabahayan ay tuluyan ng tinupok ng apoy ang buong kabahayan at sinamangpalad na hindi na nakalabas ng bahay ang biktima.

Naapula ang apoy ng mga bumbero makalipas ang halos dalawang oras at doon nakita ang bangkay ng biktima sa sala ng bahay.

Inaalam naman ng awtoridad ang dahilan ng sunog.(Edwin Balasa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More