Una sa Balita

73 katao na ang patay sa tigdas sa Calabarzon

By
0 551

UMABOT na sa 73 ang bilang ng mga namamatay sa tigdas habang umabot na sa 3,077 ang kaso na naitala sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon).

Sa Quick count ng Department of Health (DOH)-Calabarzon kahapon ng alas-otso nang umaga, nangunguna pa rin ang Rizal sa may pinakamataas na bilang ng namamatay na 51 at may 1,586 na kaso, sumunod ang Cavite na 8 ang namatay at 437 na kaso, Laguna na may 7 bilang ang namatay at 427 na kaso, Quezon na 4 at may 298 na kaso at Batangas na 3 at may 329 na kaso.

Paliwanag ni DOH-Calabarzon Regional Director Eduardo Janairo na ang pagtaas ng bilang ng namamatay ay dahil sa pagkahawa at mahinang immune system ng mga pasyente.

Pinayuhan din ni Janairo ang mga magulang ng mga bata na agapan ang pagpapabakuna sa kanilang anak.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy