Una sa Balita

71 sultada sa LPC ngayon

0 704

SA komportableng Las Piñas Coliseum dadayo ang mga sabungero kaugnay ng ilalargang “Happy Birthday Papa Mayor 3-Cock Derby” na may 71 sultada ngayon, Miyerkoles, Mar. 13.

“Patok ang derbing ito taun-taon at maraming bagong smalltime cockers ang kasali,” ani LPC llamador Cris Villanueva.

Bukod sa three storey parking area (200 kotse), ikinabit na rin kamakailan sa LPC ang mga bagong aircon units sa 80 cockhouses at sa loob ng ruweda.

Samantala, hindi bababa sa 50 entries ang inaasahan sa “Boss A Summertime 4-Cock Derby” sa Apr. 24.

Malamang na umabot sa 70 entries ang sasali, ani coliseum manager Alex Tobias, derby host. 

Sa detalye: 873-040, 0929-1800960 (Grace 1), 0939-1376455 (Grace 2) at 0915-3582076 (Julius).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy