Una sa Balita

70K ‘no read’ student insulto sa mga Bikolano — Briones

0 347

PINALAGAN ni Department of Education (DepEd) Secretary Leo­nor Briones ang ulat na 70,000 ng mga estudyante mula sa Bicol ay nahihirapang magbasa.

Sa Laging Handa press briefing­ sa Malacañang, sinabi ni Briones na exaggerated ang report at malaking insulto sa mga Bikolano dahil isa sa mga eskuwelahan sa Bicol region ay mataas ang rating.

Sinabi ni Briones na dapat maging maingat sa pag-interpret sa mga numero dahil kapag sinabing hirap bumasa ay hindi nangangahulugang illiterate ang isang estudyante.

“Iyong number na 70,000 medyo exaggerated iyan dahil­ hinalo iyong nahihirapan sa Pilipino, nahihirapan sa English tapos umabot sa 70,000 kung saan iyong nanggagaling. Kaya maging maingat lang tayo sa ating pag-interpret nitong mga numero, not only numero but words themselves. Not knowing how to read is different from being illi­terate,” ani Briones.

Hindi aniya totoong may epidemya ng iliterado at hindi tamang sabihin na kung hindi makabasa ay no read, no write na.

Binigyang-diin ng kalihim na sa taunang assessment na ginagawa ng kanyang kagawaran, mayroong kategorya na nakakabasa pero hindi nakakaintindi, pero hindi ibig sabihin aniya ay iliterado na ang mga estudyante.

“Iyong sinasabi na 70,000 learners in Bicol cannot read. Palagay ko ay kailangan i-clarify, ano ang ibig sabihin natin ng cannot read. Kung no read, no write, hindi iyan tama. Ito ay annual assessment na ginagawa ng Department of Education, tine-test kung iyong level ng comprehension nila kung level ng understanding nila ng kanilang binabasa ay appropriate to their grade. Hindi ibig sabihing illite­rate sila,” dagdag pa ni Briones.
(Aileen Taliping/Edwin ­Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More