Una sa Balita

700,000 katao nabaha — NDRRMC

By
0 68

Umaabot sa 700,000 katao ang naapektuhan ng pagbaha dahil sa naganap na paglakas ng habagat dulot ng bagyong ‘Karding’ sa Region I,II, III, Calabarzon, Cordillera Administrative Region at National Capital Region (NCR), ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon.

Batay sa ulat ng ahensiya may kabuuang 154,571 pamilya ang apektado mula sa 469 barangay kung saan aabot lang sa 36,877 pamilya o 173,255 na indibidwal ang nakakuha ng suporta o relief goods sa loob at labas ng mga evacuation center.

Samantala, nasa 222,648 na pamilya o 102,315 katao ang kasalukuyan pang nasa 253 evacuation center.

Samantala nakapag­labas na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba’t ibang local government unit (LGU) ng kabuuang P14,685,597.24 halaga ng assistance sa Region 1,III, CAR, at NCR.

Humupa na rin ang baha sa 111 sa may 310 na mga binahang lugar sa Region 1, Calabarzon at CAR kabilang ang lahat ng binahang lugar sa NCR.

Abot sa 41 kabaha­yan naman ang nasira sa Region II, Calabarzon, CAR, 11 sa mga ito ay totally damage habang ang natitirang 30 ay partially damage. Maaari na ring daanan ang lahat ng kalsada na naiulat na binaha habang 16 sa 33 area na nawalang ng kuryente ang naibalik na.

Samantala patuloy ang red alert status ng NDRRMC hanggang sa kasalukuyan.