700 teachers sa Marawi, ‘di na nagparamdam

By

Mahigit kalahati sa 1,424 public school teachers sa Marawi City ang hindi nagpaparamdam simula nang sumiklab ang giyera sa nasabing lungsod noong Mayo 23.

Maliban dito, 17,000 umano sa 20,000 estudyante sa elementary at high school sa Marawi City ang hindi pa nakapag-enrol sa mga kalapit lugar tulad ng Iligan City, Cagayan de Oro City, Cebu City at iba pang lugar.

Ito ang isiniwalat nina ACT Teachers party-list Antonio Tinio at France Castro hinggil sa kalagayan ng sektor ng edukasyon sa Marawi City.

Ayon sa dalawang mambabatas, labis na nag-aalala ang mga ito sa kalagayan ng mga public school teachers na hindi pa rin tumatawag man lamang sa kanilang mga opisyal.

“The DepEd Marawi City Division said that, as of June 10, they had not received word on the condition or whereabouts of more than half of its 1,424 public school teachers,” ayon kay ­Tinio.

Hindi rin umano matawagan ang mga ito ng kanilang mga opisyal ­para malaman ang kanilang kalagayan.

SHARE