Una sa Balita

700 mawawalan ng trabaho sa Wells Fargo Technology sa ‘Pinas

0 369

AABOT sa 700 ang mawawalan ng trabaho sa Wells Fargo Technology sa bansa, isang unit ng Wells Fargo na isa sa mga malalaking bangko at financial services provider sa Estados Unidos.

Ayon kay Peter Gilchrist ng public affairs ng Wells Fargo, nagsagawa ng “extensive review and analysis” ang kompanya na nagbibigay halaga sa “co-location and collaboration” para mapabilis ang pagbibigay nito ng ­serbisyo sa mga kliyente nito.

“The Technology global location strategy is part of a broader, three-year Technology strategic plan,” sabi ni Gilchrist sa isang email sa Abante.

Ililipat ang mga trabaho sa mga lugar na mas maraming kakayanan sa teknolohiya at ang mga trabahong mawawala sa Maynila ay ililipat sa ­India.
Kinikilala ng Wells Fargo na tatamaan ang mga tauhan nito sa Maynila kaya’t bibigyan sila ng suporta at sapat na panahon para makahanap ng trabaho o ibang mapagkakakitaan. Nasa 750 ang technology employees ng Wells Fargo sa bansa at 700 ang ililipat sa India.

“We are providing a significant notice period and extensive support to all impacted employees. The vast majority of the Manila-based technology roles are moving to India, where they will be filled by locally-based talent. We will provide impacted Manila-based employees with services to help them find new position within Wells Fargo or other companies, and those who do not get placed will receive separation benefits,” dagdag ni Gilchrist.

Nilinaw ni Gilchrist na ang Wells Fargo Technology lamang ang apektado at ang iba pang operations nito sa Maynila ay hindi tatamaan ng global location optimization strategy ng naturang unit.

“The Philippines continues to be a strategic location for Wells Fargo, and its employees provide critical services for our customers and stakeholders,” sabi ni Gilchrist. (Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More