Una sa Balita

700 kilo ng sangkap sa pampasabog narekober sa Sulu

0 293

Napigilan ang posibleng paghahasik ng mga teroristang grupo sa lalawigan ng Sulu matapos makumpiska ang umaabot sa 700 kilo ng ammonium nitrate, isa sa pinakamahalagang sangkap sa paggawa ng bomba, at isang 81 mm mortar fuse ng Joint Task Force (JTF) Sulu sa Barangay Latuh, Patikul, Sulu ayon sa ulat ng opisyal ng Philippine Army kahapon.

Ayon kay Lt. Col. Gerald Monfort, taga­pagsalita ng JTF Sulu, ang pagkakakum­piska ng nasabing sangkap sa pagpapasabog ay sa tulong na rin ng mga residente na siyang nag-report sa awtoridad hinggil sa kanilang natagpuan sa isang abandonadong bahay nitong Setyembre 14 nang umaga sa Barangay Latuh ng bayang ito.

“Government troops immediately res­ponded to the report and cordoned the area to ensure the safety of the po­pulace living near the pinpointed abandoned house,” pahayag ni Monfort.

Ayon naman kay Police Col. Pablo Labra, Sulu Police provincial director, ang paghahalo ng ammonium nitrate sa pampasabog ay isa sa mga signature bomb ng teroristang grupong Abu Say­yaf kahalintulad ng ginawa sa pambobomba sa twin bombing sa Jolo Cathedral sa Barangay Tanjung sa Indanan, Sulu kamakailan.

“SOCO forensic examinations in the Jolo Cathedral and Brgy. Tanjung, Inda­nan bombings points out that ASG EIDs have signatures of Ammonium Nitrate”, saad ni Labra.

Ayon naman kay Major Gene­ral Corleto Vinluan Jr., commander ng JTF Sulu, ang patuloy na kooperasyon sa militar ng mga Tausug community sa lugar ay malaking tulong para sa patuloy na katahimikan ng lugar.
(Edwin Balasa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More