Una sa Balita

70% TV rating ni Kris hindi makabog

By
0 1,579

Pagkatapos ng 1986 EDSA People Power Revolution, na­ging unang TV guesting ni Kris Aquino ay sa showbiz talk show ni Inday Badiday na See True sa IBC-13.

Fresh na fresh ang 14-year-old na si Kris sa unang pag-upo niya sa panel discussion ng See True.

Nag-rate ang naturang episode ng 70 percent, making it the “highest rating ever in Philippine television history.”
30 years ang nagdaan, pero hindi pa rin natatalo ang 70% rating na iyon ng See True ng kahit na anong TV show.

Taong 1984 nang ipalabas ang tinatawag na “phenomenal youth-oriented film of all-time” na Bagets. Ni-launch ng Bagets ang showbiz career nina Aga Muhlach, na naging sought-after leading man of Philippine showbiz; at ni Herbert Bautista na mula sa pagiging box-office comedian ay pinasok ang politics at naging mayor ng Quezon City.

Nagsimula rin ng kakaibang trend in fashion ang Bagets at ang term na “bagets” ay ginagamit pa rin hanggang ngayon para i-describe ang mga tee­nager.

Ang Dekada ‘80 din ang tinawag na “Second Golden Age of Philippine Cinema” dahil sa mga critically-acclaimed at award-winning films nila Lino Brocka (Bona, Kontrobersyal, Kapit Sa Patalim, Maging Akin Ka Lamang), Mike de Leon (Kisapmata, Sister Stella L), Eddie Romero (Kamakalawa), Ishmael Bernal (City After Dark, Himala, Relasyon, Broken Marriage, Hinugot Sa Langit, Pahiram Ng Isang Umaga), Peque Gallaga (Oro, Plata, Mata, Scorpio Nights), Marilou Diaz-Abaya (Moral, Brutal, Karnal), Celso Ad Castillo (Paradise Inn), Mario O’Hara (Bulaklak Sa City Jail), Maryo J. Delos Reyes (Tagos Ng Dugo, Kapag Napagod Ang Puso, Hindi Mo Ako Kayang Tapakan), Elwood Perez (Bilangan Ang Bituin Sa Langit), Danny Zialcita (Langis at Tubig, Gaano Kadalas ang Minsan, Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi), Chito Rono (Private Show, Itanong Mo Sa Buwan, Olongapo: The Great American Dream) at Laurice Guillen (Salome).