Una sa Balita

70% ng mga Pinoy nawindang sa paglobo ng mga Chinese worker; Palasyo ‘di nasorpresa

0 434

PINUNA ng Malacañang ang paraan ng inilatag na tanong ng Social Weather Stations (SWS) sa kanilang survey sa pagdami ng mga Chinese worker sa bansa.

Kasunod ito ng inilabas na resulta ng 3rd quarter survey ng SWS na nagsabing 70% ng mga Pilipino ang nagpahayag ng pagkabahala sa tumataas na bilang ng mga Chinese na iligal na nagtatrabaho sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na malinaw na isinubo ang tanong sa survey ng SWS kaya naman negatibo ang resulta nito.

“We note that the survey question has been slantly phrased as: Gaano po kayo nababahala sa pagdami ng dayuhang Intsik na nagtatrabaho sa Pilipinas? Necessarily, the response is logical and expected because the question already assumes that there exsists a cause of worry,” ani Panelo.

Hindi aniya nakapagtataka kung bibigyang kulay ng mga kritiko ang resulta ng survey at gagawing propaganda para mabanatan ang independent foreign policy ni Pangulong Rodrigo Duterte lalo na ang nakikitang magandang relasyon ngayon ng Pilipinas sa China.

Sa kabila ng negatibong survey, sinabi ni Panelo na gamay na ng mga Chinese ang buhay sa bansa dahil hindi lang ngayon dumagsa ang mga ito sa Pilipinas kundi noon pa mang mga unang panahon.

Tiniyak ni Panelo na mahigpit na ipinatutupad ng gobyerno ang batas sa immigration at batas paggawa, at mas binibigyang prayoridad ang interes ng mga Pilipino kaysa sa mga dayuhan.

“The Filipino people are assured that this administration is strict in enforcing the law, especially those pertaining to our immigration and labor policies. The President as always, will prioritize the interests of the Filipino people and our local labor force,” dagdag pa ni Panelo. (Aileen Taliping/Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy