Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

70 kulong sa ilegal na sabong

0 120

Mahigit 70 kalalakihan ang inaresto ng pulisya matapos silang maaktuhan sa ilegal na sabungan sa Mexico, Pampanga noong Linggo ng hapon.

Nasamsam ng mga tauhan ng Mexico Municipal Police sa Pampanga ang kabuuang P52,000 na perang pantaya, mga gamit sa panabong at mga manok na isinultada sa nasabing tupada.

Sa report, sinalakay ng mga pulis ang nasabing tupada sa Brgy. Lagundi sa nasabing bayan nang ireklamo ito ng ilang residente sa lugar. Bukod sa maingay sa lugar, winawaldas umano ng kanilang mga asawa ang perang dapat sana ay nakalaan sa kanilang pamilya.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o illegal gambling ang mga dinampot na sabungero.

“Paulit-ulit po kaming nananawagan, seryoso po ang pamunuan ng PNP sa panghuhuli po natin dito sa illegal cockfighting o tupada or bularit na sinasabi, kaya’t binabalaan po namin ang mga mahilig mag-illegal cockfighting diyan na sana maging leksiyon na po ito. Hindi po kayo mahuhuli kung tayo ay sumusunod sa batas, walang ganito, wala pong hulihan na mangyayari,” giit ni Police Lt. Col. Grace Naparato, hepe ng Mexico Police. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.