Una sa Balita

70 kandidato sa pagka-senador diniskuwalipika ng Comelec

By
0 592

UMABOT na sa 70 ang bilang ng mga kandidato sa pagka-senador na diniskuwalipika ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa pagi­ging nuisance candidate o walang kakayahang maglunsad ng malawakang kampanya para sa idaraos na local at national elections sa Mayo 13.

Tumanggi naman si Comelec spokesperson James Jimenez na tukuyin ang mga nadiskuwalipikang kandidato.

Aniya, magpapalabas ang komis­yon ng certificate of finality sa nasabing desisyon kung mabibigo ang mga ito na umapela sa loob ng limang araw matapos nilang matanggap ang naturang resolusyon.

Nauna nang ibinasura ng Comelec noong Linggo ang kandidatura ng 40 aspirante sa pagka-senador dahil kumbinsido ang komisyon na hindi nila kayang mag-ikot at mangampan­ya sa buong bansa.

Samantala, mula naman sa 182 ay bumaba na lang sa 154 ang bilang ng mga party-list group na maaaring lumahok sa halalan.

Gayunman, maaari pa rin umano itong mabawasan sa isinasagawang paglilinis sa listahan ng mga kandidato.

Nauna nang sinabi ng poll body na posibleng mailabas nila ang pinal na listahan ng mga kandidato para sa local at national position bago sumapit ang Enero 23.

Samantala, kabilang sa mga ina­abangang desisyon ng Comelec ang kaso nina Senador Aquilino Pimentel III dahil sa reklamong naka-dalawang termino na ito at hindi na maaaring tumakbo ng reeleksyon, at ang isyu kay dating Senador Sergio Osmeña III na may perpetual disqualification case dahil naman sa kabiguan niyang magsumite ng campaign expense reports noong 2010 at 2016.=

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy