Una sa Balita

70-anyos na tinuli, binayaran ng 1.2M

0 307

ISANG 72-anyos na Briton ang binayaran ng $24,000 o katumbas na P1.2 milyon matapos na siyang matuli imbes na operahan lang sa pantog sa Leicester Royal Infirmary sa Leicester, United Kingdom.

Sasailalim lang sana sa cystoscopy si Terry Brazier para makontrol ang pagdaloy ng kanyang ihi, pero ang kinalabasan ay tinuli siya ng mga hospital staff.

Isinisi ang insidente sa pagkakahalo ng staff sa mga dokumento ng pasyente kaya’t imbes na cystoscopy ang gawin kay Brazier kung saan tuturukan ng botox ang kanyang pantog at idadaan ang karayom sa kanyang ari, ay circumcision ang isinagawa sa kanya.

Hindi napansin ni Brazier ang pagkakamali sa kanyang operasyon dahil naging abala siya sa pakikipagtsikahan sa mga staff ng ospital.

Humingi naman ng paumanhin ang direktor ng ospital sa pangyayari kasabay ng pagbabayad kay Brazier ng $24,000.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy