Una sa Balita

7 US migrant tigok sa init

0 302

Pitong migrant ang iniulat ng mga awtoridad sa Texas na nasawi nitong Lunes, Hunyo 24 dahil sa matinding init.

Kabilang sa pitong nasawi sa US-Mexico border ay apat na kababaihan at tatlong bata.

Ang isang nasawing babae kasama ang tatlong bata ay pinaniniwalaang ilang araw ng patay nang matagpuan ng mga US border personnel malapit sa Rio Grande sa South Texas.

Pinaniniwalaang namatay ang mga biktima dahil sa matinding init at dehydration.

Maliban sa apat ay may natagpuan ding bangkay ng dalawang babae malapit sa Carrizo Springs at isa pang naagnas na bangkay sa riverbank ng Rio Grande.

Nakakamatay ayon sa Del Rio Sector Chief Patrol Agent Raul Ortiz ang kasalukuyang kilima sa US.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy