Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

7 todas sa ‘Impiyernong’ biyahe

0 88

Pitong pasahero ang nasawi habang pitong iba pa ang nawawala matapos na masunog ang isang pampasaherong bangka habang nasa karagatan ng Real, Quezon kahapon ng umaga.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Commodore Armando Balilo, limang babae at dalawang lalaki ang kumpirmadong nasawi sa insidente samantalang 23 pang pasahero ang nasugatan at dinala sa mga ospital sa kalapit na bayan.

Kinilala ang mga nasawing pasahero na sina Viola Impreso, 47-anyos; Charito Escareces, 57, kapwa ng Real; Marivic Samareta, 61, Edna Balanac, 64; Crisanto Debelles, 51-anyos, pawang mga taga-Polilo; Mina Enciso, 57; Mabitac at Andy Tejares, 54, ng Sta. Mesa.

Umalis sa pantalan ng Polillo ang MV Mercraft 2 patungo sa Real ganap na alas-singko ng madaling-araw lulan ang 124 na pasahero at 10 tripulante.

Iniutos ng kapitan ng bangka ang pag-abandona rito bandang alas-sais ng umaga nang magsimulang lumaki ang apoy mula sa engine room nito. Alas-6:30 naman nang magpadala ito ng distress signal habang nasa kalahating milya na lang ang layo sa Port of Real sa Baluti Island sa Brgy. Cawayan.

Mabilis umanong kumalat ang apoy kaya nagtalunan sa dagat ang mga pasahero. Sumaklolo ang apat na motorbanca ng mga mangingisda at dalawang Ro-Ro vessel na malapit sa lugar.

Idineklarang fire under control ang sunog ganap na alas-10:00 ng umaga. Hinatak ang bangka patungo sa Baluti Islan
Tatlong search and rescue team ang itinalaga sa lugar. Ayon sa PCG Command Center, gawa sa fiberglass ang naturang fast craft vessel at may total capacity ito na 186 na pasahero.

Samantala, sinabi ni Polilo Mayor Cristina Bosque na 124 pasahero ng MV Mercraft 2 ang ipinadala sa kanyang tanggapan pero ilang pasahero ang wala umano sa manifesto. (Ronilo Dagos/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.