Una sa Balita

7 tigok sa Mt. Everest traffic

0 279

PITONG katao ang namatay sa loob lamang ng isang linggo dahil sa matinding trapik paakyat at pababa ng Mt. Everest.

Nitong Huwebes ay tatlo ang namatay habang pababa sa camp four. Dalawa sa kanila ay kinilalang sina Kalpana Das, 52 at Nihal Bagwan, 27 kapwa taga-India.

Nabatid na ang dalawa ay natengga ng 12 oras sa pagbaba sa camp four na may taas na 26,247 talampakan at naubusan ng lakas hanggang sa malagutan ng hininga.

Namatay naman noong Huwebes ang Amerikanong si Donald Lynn Cash, 55, matapos manghina dulot ng high altitude sickness habang pababa ng Mt. Everest.

Isang climber ang nag-post ng larawan sa Instagram kung saan makikita ang kumpulan ng mga tao sa tinatawag na ‘death zone’ at tuktok ng Mt. Everest na nasa 29,029 talampakan.

Sinisisi ang trapik sa hindi pagpapatupad ng limit sa mga umaakyat sa pinakamataas na bundok sa buong mundo. Ang bawat isang climber ay sinisingil kasi ng $11,000 ng Nepal.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy