Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

7 suspek madulas! Dinukot na Chinese natunton sa Cavite

0 122

Sinagip ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) sa Silang, Cavite ang isang Chinese national na dinukot umano ng pitong Pinoy na pawang nakatas sa mga awtoridad.

Kinilala ang nasagip na banyaga na si Chin Mingjon, na nasagip ng PNP-AKG alas-12:30 Huwebes ng madaling-araw sa Brgy. Tibig.

Sa ulat ng pulisya, nagtungo sa tanggapan ng PNP-AKG nitong Miyerkoles ng gabi si Jiaqui Chen, 26, upang iulat ang pagdukot sa biktima. Aniya, nakapagbigay na sila ng halagang 53,000 RMB o Chinese currency, na ipinadala nila sa pamamagitan ng online payment sa mga suspek.

Subalit hindi pa rin pinalaya ang biktima at habang nagsasagawa ng imbestigasyon ay nakatanggap ng tawag si Chen mula sa mga kidnapper at nanghihingi ng dagdag na 9,750 RMB.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Agad namang ipinadala ng kompanyang pinagtatrabahuhan ng biktima ang hinihingi ng mga suspek sa takot na pahirapan o patayin ang kidnap victim.

Alas-9:30 ng gabi ipaalam ng mga suspek si Chen na pakakawalan na nila ang biktima at ipinadala ng mga ito ang lokasyon kung saan nila ito iiwan si Mingjon. Bumuo ng team ang AKG Luzon Field Unit at nagtungo sa Brgy. Kaong na pinag-iwanan sa biktima.

Base sa ginawang imbestigasyon, sinabi ng biktima na dinukot umano siya ng pitong Pinoy kabilang ang isang babae, at dinala sa isang lugar kung saan siya bantay sarado.

Makalipas ang ilang oras ay pinosasan at piniringan siya ng mga suspek at dinala ulit sa isang lugar kung saan siya nagpalakad-lakad sa dilim hanggang sa masagip siya ng awtoridad. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.