Una sa Balita

7 pulis, sundalo sa ‘Morong 43’ absuwelto sa Sandigan

0 320

IBINASURA ng Sandiganbayan ang kaso laban sa pitong mga opisyal ng militar at pulisya kaugnay sa kasong illegal detention na may kinalaman sa Morong 43 noong 2010.

Sa desisyon ng Sandiganbayan 7th Division ay kinatigan nito ang demurrer to evidence na inihain ng mga akusado kung saan wala umanong sapat na ebidensya na magsasabing guilty beyond reasonable doubt ang mga akusado.

Ang mga opisyal na una nang kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 7438 o Rights of Persons Arrested, Detained or Under Custodial Investigation ay sina Lt. Gen. Jorge Segovia, retired Maj. Gen. Aurelio Baladad, Brig. Gen.

Joselito Reyes, Col. Cristobal Zaragoza, Police Supt. Marion Balonglong, Police Supt. Allan Nobleza, at Army Major Jovily Cabading.

Inutos din ng graft court na alisin na sa Hold Departure Order ang mga akusado.

“The bond posted by accused for their provisional liberty during the pendency of these cases are ordered cancelled and returned to said accused, subject to any liability of bond. The Hold Departure Order (HDO) issued against accused in these cases is hereby recalled,” nakasaad sa 39 pahinang desisyon.

Inaresto ang 43 health worker na tinawag na Morong 43 matapos akusahang mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa Morong, Rizal noong taong 2010 dahil sa illegal possession of explosives.

Napakawalan din ang Morong 43 matapos ang 10 buwan kasunod ng pagbawi ng Department of Justice sa kaso laban sa kanila. (Tina Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy