Una sa Balita

7 Pinoy nawawala sa lumubog na fishing vessel sa Brunei

0 239

ISANG fishing vessel na may lulan na pitong Pilipinong tripu­lante at 4 na ibang nationality ang lumubog sa karagatan ng Brunei, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Sa inisyal na ulat, dalawa pa lamang ang naililigtas sa lumubog na Radims 2, apat na araw matapos ang insidente.

Itinigil nitong Linggo ang search and rescue operation dahil sa wala nang makitang crew sa lugar na pinaglubugan.

Hindi naman binanggit sa ulat ng Philippine Embassy sa Brunei kung ang dalawang nailigtas ay mga Pinoy.

Ang huling komunikasyon ng may-ari ng Radims 2 at ng kapitan ay noon pang Miyerkoles, Agosto 7.

Bunsod nito, nagpasaklolo ang National Search and Rescue Coordination Committee ng Brunei sa Malaysian Maritime Enforcement Agency para hanapin ang mga nawawalang tripulante. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy