Una sa Balita

7 patay sa wildfire sa California

0 463

Umabot na sa pitong katao ang namatay sa pananalasa ng wildfire sa Redding, California.

Napaulat din na may 16 ang nawawala pero siyam dito ang natagpuang ligtas.

Hirap ang awtoridad­ sa komunikasyon kaya’t hindi nila mahagilap ang mga residente na posibleng nabiktima ng wildfire.

“We spoke with seve­ral people who left their cell phones at their resi­dences and in this day and age people don’t remember people’s phone numbers,” ayon kay Redding Police Sgt. Todd Cogle.

Dahil sa matinding init ng panahon at lakas ng hangin, kumalat ang apoy at kinain ang higit sa 500 kabahayan.

Mayroon ng 3,000 bumbero at 300 firetrucks ang nagtulong-tulong upang maapula ang sunog.