Una sa Balita

7 parak na nangotong sa 3 Koreano, sinibak

By
0 38

Pitong pulis na nakatalaga sa Central Luzon ang inaresto dahil sa reklamong robbery extortion.

Sa ginaganap na press briefing kahapon, sinabi ni PNP chief Director General Ronald dela Rosa na pinasok ng pitong pulis ang bahay na tinutuluyan ng tatlong Koreano at dito inakusa­han na sangkot sa illegal online gambling at hini­ngan umano ng mga pulis ang tatlong Koreano ng P200,000.

Sinabi ni Dela Rosa na ayaw nang maghain ng reklamo ang mga Koreano na pawang nakabalik na sa kanilang bansa.

Gayunman sinabi ni Dela Rosa na gagamitin pa rin ng pulisya ang mga affidavit ng mga Koreano para masimulan na ang pagsasalang sa summary dismissal proceedings na mga sangkot na pulis.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy