Una sa Balita

7 opisyal ng DPWH kinasuhan sa ₱37M retrofitting project

0 369

PITONG opisyal ng Department of Public Works and Highways-Baguio District Engineering Office (DPWH-BDEO) ang nahaharap ngayon sa kasong grave abuse of authority, conduct unbeco­ming of an officer at anti-graft and corruption sa Ombudsman-Cordillera Administrative Region para sa kuwestiyonableng pag-implementa ng P37 mil­yong retrofitting project ng Magsaysay flyover sa Baguio City.

Sa kanyang limang pahinang affidavit complaint, pinangalanan ni Citizen Crime Watch-CAR Secretary Ge­neral Salvador Liked ang mga akusado na sina DPWH-BCDEO District Engineer Rene F. Zarate; Assistant District Engr. Glen B. Reyes; Planning and Design Division Chief Engr. Cesario Rillera, Engr. Gil Noque, Engr. Nora delos Santos, Engr. Alfredo Bannagao, Jr., at isang hindi pa natukoy na opisyal.

Ayon sa reklamo, sinabi ni Liked na noong April 11, 2018, ang DPWH-BCDEO Bids and Award Committee ay nakapag-bid sa isang project bridge program and retrofitting para palakasin ang Magsaysay west flyover sa nasabing siyudad na may approved budget na P37.9 million.

Sinabi ni Liked na nakapagtataka ito dahil ang bidder na North Tech Builders and Construction Supply ay nakapag-bid lamang ng P36.7 mil­yon at dagdag pa nito malinaw na hindi ito competitive bidding. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy