Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

7 NPA member sumuko sa Agusan

0 147

Nasa pitong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa militar sa Agusan del Norte, dahil na rin umano sa awayan sa loob mismo ng mga rebelde.

“Infightings have put into danger the lives of these former NPA members. They decided to cut their ties with the movement and go back to the government,” sinabi ni Lt. Col. Julius Cesar C. Paulo, commander ng Army 23rd Infantry Battalion (23IB).

Apat sa mga sumuko sa Buenavista ay tinatawag na NPA ‘regulars’, habang ang tatlo ay bahagi ng Milisya ng Bayan (MB).

Isinuko ng mga rebelde ang mga armas, mga bala at ilang mga materyales na pampasabog.

SM food to go Banner Ad

“They told us that they are no longer secured within the NPA movement because of infighting and factions. Based on our experiences, NPA leaders cannot defend their members, especially during armed encounters. They cannot be trusted, and they only keep on feeding their members with false promises,” sabi pa ni Paulo.

Nagkaroon diumano ng gulo nang tanging mga lumang miyembro lang ang inaasikaso at sila ay hindi kasama sa mga biyaya o benepisyo.

Nagsawa na rin umano sila sa kakatago at sa bakbakan.

Sinabi ni Paulo na ipapasok ang mga sumuko sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) ng pamahalaan. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.