Una sa Balita

7 miyembro ng human rights watch, reresbakan ni Duterte

By
0 214

Hindi pa lusot sa ngitngit ni Pangulong Rod­rigo Duterte ang 7 member delegation ng International Delegate­s of the Progressive Alliance­ na nagpanggap na miyem­bro ng European Union mission sa bansa.

Sinabi ni Pangulong Duterte na ipinakukuha­ na niya ang listahan ng pitong nagpanggap na dayuhan at kung anong mga bansa ang ikinakatawan ng mga ito para putulin na ang demokrasyang ugnayan sa mga ito.

Ayon sa Pangulo, handa­ siyang mawala at maputol ang ugnayan sa mga bansang walang ginawa kung ‘di sirain ang Pilipinas­.

“I will ask a listing for who these persons represented, what country and I will be glad to sign a letter of resignation of our de­mocratic relationship. Tu­tal ho, sa Constitution the President is the sole organ of foreign policy. Hindi ‘yan congress, hindi ‘yan Supreme Court and they cannot force me ‘pag sinabi kong tapusin na natin ang relasyon natin,” ang pahayag ng Pangulo.

Sinabi pa ng Punong Ehekutibo na gagawin niya ang sulat at handa siyang mawala ang lahat ng diplomatic relationships sa European countries at kapag nangyari ito ay hindi na niya papayagang pumasok ang mga ito sa Pilipinas.

Kasabay nito iniha­yag ni Pangulong Duterte na tinanggihan niya ang alok na tulong ng Great Britain kamakalawa sa kainitan ng kanyang galit sa EU dahil sa isyu ng extrajudicial killings (EJK) at bantang pagpapaalis sa membership ng Pilipinas sa United Nations Human Rights Commission. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy