Una sa Balita

7 ‘marijuana boys’ kakasuhan ni Duterte?

By
0 652

ANUMANG oras mula ngayon, malalaman ng publiko kung sasampahan ng kaso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ‘7 Marijuana Boys’ na nag-viral sa social media habang ipinapakita ang paghithit ng marijuana at pagmumura sa Punong Ehe­kutibo.

Ito ay matapos magpadala ng sulat si P/Sr. Supt. Harry Espela, acting chief of police ng Malabon Police Station sa Malakanyang kamakalawa nang hapon.

Nakasaad sa kalatas na sinampahan na ng Malabon Police ng kasong Violation of Sec. 15 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at Sec. 6) sina Ranidel Louis Roque, 20-anyos; Cornelio Aguilar, 22; Kurt Edison Ano, 22; Emmanuel Guerrero, 23; Renren Santos, 23; Cedric Acharon, 21 at Jua­niel Arvie Isles, 18, mga resi­dente ng Brgy. Tugatog ng lungsod.

Nasa Pangulong Duterte na ang pagpapasya kung magsasampa pa ito ng iba pang kaso laban sa pitong magbabakarkada.

Bukod kasi sa pagmamayabang ng mga suspek sa video habang nagma-marijuana, minumura din nila si Duterte at sinabihan na gawing legal na ang paggamit ng nasabing iligal na droga.

Kaya naman ng nag-viral ito sa social media noong Agosto 27 at maalerto ang PNP, kaya isinuko sila ng kani-kanilang kaanak sa Malabon Police sa tulong na rin ng mga barangay official ng Brgy. Tugatog.

Kaugnay nito, kusang-loob namang sumang-ayon ang isa sa mga suspek na si Ano na buksan ng Anti-Cyber Crime Group sa Camp Crame ang messenger account nito upang makatulong sa imbestigasyon ng kaso at kung sino ang nag-up load nito.

Inamin din niya Ano na siya ang kumuha ng video at nais din niyang buksan ang messenger account ni Guerrero upang makita ang kanilang conversation.