Una sa Balita

7 Makati jeep driver positibo sa droga

0 221

KALABOSO ang pitong jeepney driver na ­nagpositibo sa random drug testing na ginawa ng Land Transportation Office at Makati City ­Police kahapon.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug of 2002 ang mga naarestong driver. Agad nilang isasailalim sa ­inquest proceeding sa Makati Prosecutor’ ­Office ang mga suspek matapos nila itong arestuhin.

Alas-singko ng madaling-araw nang ­sorpresang isinagawa ang random drug testing sa lahat ng jeepney driver na may rutang Guadalupe-Leon Guinto Taft na bahagi ng Makati City Police ­Public Safety Intervention.

Nasa 154 ang jeepney driver na sumailalim sa drug testing.

Sinagawa ito upang maiwasan na ang ­disgrasya at matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at ­pedestrian.

Matatandaan na noong Pebrero 12 nang ­araruhin ng jeepney driver ang mga tumatawid na estudyante sa Brgy. Poblacion, isa ang nasawi habang pito ang sugatan.

At sa ginawang pagsusuri, nagpositibo sa ­iligal na droga ang driver na si Crisalde Tamparong at nabatid pa na walang lisensya sa pagmamaneho. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More