Una sa Balita

7 kolorum motorcycle taxi hinarang

0 222

HINULI kahapon ang pitong motorcycle taxi na tinuturing ng Land Transportation Office (LTO) na kolorum.

Sabi ng Department­ of Transportation (DOTr), lima sa hinuli ay kasama ng Angkas at dalawa sa SAMPA na naghain na ng aplikasyon sa LTO para maging motorcycle taxi.

Ayon sa DOTr, gumamit sila ng mga mystery passenger na nag-book ng ride sa Angkas para tingnan ang safety gear at mga dokumento nito kaya’t natunton na hindi rehistrado sa accredited master list ng Technical Working Group (TWG) ang mga hinu­ling rider.

Sabi pa ng DOTr, may mga rider din na kumukuha ng pasahero sa ilalim ng i-SABAY na wala ring accreditation para sumali sa motorcycle taxi pilot study na tatagal hanggang Marso 2020.

Nabatid na tatlo lamang ang pinayagan sa pilot study: Angkas, Move It, at JoyRide.

Babala ni Antonio Gardiola Jr., chairman ng TWG para sa mga motorcycle taxi, ang sinomang magpumilit na mamasada na wala sa master list ay huhulihin ng mga awtoridad.

Aniya pa, patuloy na gagamit ng mystery passenger ang TWG para mabantayan ang mga rider at makita kung mayroon silang tamang safety gear at kumpleto ang dokumento.

Kabilang sa mga ahensiyang manghuhuli­ ng mga kolorum na motorcycle taxi ay ang LTO, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Metropolitan Manila Development Authority, Philippine National Police-Highway Patrol Group, at ang Inter-agency Council for Traffic. ­(Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More