Una sa Balita

7 katao timbog sa P1.7M shabu

By
0 167

PITO katao kabilang ang mag-live in partner­ na target sa drug ­operation ang naaresto at nakumpiskahan ng P1.7 milyong halaga ng shabu makaraang ­salakayin ng pinagsanib na puwersa ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) Taguig City Police at Philippine­ Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang bahay na ginagawang drug den sa Brgy. Ususan, Taguig City kamakalawa nang gabi.

Agad na dinala sa detention cell ng RDEU ng NCRPO ang mga suspek na sina Garry Cruz, alyas ‘Pong’, 50, na siyang target sa operasyon kasama ang live-in partner na si Zosima Rogerson, 25; Napoleon Tolentino Jr., 46, nakati­ra sa no. 468 A Mabini St., Brgy. Poblacion; Jose Gallardo Carlos, 57, J.P Rizal St., Ariel Legaspi, 52, San Pedro St., Brgy. Kalawaan, Pasig City; Arturo Villar, 58 at Rene Pascual, 40-anyos.

May poseur buyer na bumili ng 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P200,000 kay Cruz at matapos na magkaabutan ay dito na ito dinakma at sinalakay ang drug den.