Una sa Balita

7 katao sinuyod sa Navotas

By
0 111

Nasa pitong katao ang inaresto ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas, kamakalawa nang gabi.

Sa ulat ng Northern Police District (NPD), alas-10:30 nang gabi nang magkasa ng buy-bust operation ang pinagsamang mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) at District Special Operation Unit (DSOU) kung saan target nila sina Richard Bagtas, alyas Pipoy, 24-anyos, may kinakasama, walang hanapbuhay at residente ng Northbay Boulevard, Barangay North Bay Boulevard North (NBBN) at Gibson Depaz, 25-anyos, binata, wala ring hanapbuhay ng Old Fishport ng parehong lugar.

Nang magkaabutan na ng inorder na shabu at marked money ang nagsilbing poseur buyer at mga suspek, dito na inaresto ang dalawa sa lugar na kung saan nagsisilbing drug den ng mga parokyano.

Lima pa ang ina­resto na sina Noel Indic, 24-anyos; Richard Gonzales, 20- anyos, ice dealer; Erick Navarro, alyas Nonoy, 26-anyos, laborer; Dondon Balboa, 21-anyos, binata, mangingisda at nasa drug watch list din ng pulisya; at isang Louie Abad, 26-anyos, binata.

Na-recover sa mga suspek ang nasa 12 pirasong small heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na tatlong gramo, tig-dada­lawang piraso ng rolled aluminum foil tooter, aluminum foil strip na lahat ay may bakas ng iligal na droga, disposable lighter na may aluminum foil din, at isang P1,000 bill na may serial number na FV350124 na nagsilbing buy-bust money. (