Una sa Balita

7 huli sa buy-bust sa Navotas

0 185

ARESTADO ang pitong hinihinalang drug persona­lity kabilang ang isang sangkot din sa iligal na pagbebenta ng mga bala ng baril sa isinagawang buy-bust operation ng Navotas Police, kamakalawa nang gabi sa Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS).

Ayon kay District Special Operation Unit (DSOU) P/Lt. Melito Pabon, bandang alas-otso noong Lunes ng gabi nang ikasa ng pinagsamang puwersa ng NPD-DSOU at Navotas City Police sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Rolando Balasabas ang operasyon sa pangunguna ni PS/MSgt. Joel Rosales kontra kay Rufino Ymas alyas ‘Pino’, 26-anyos, sa B-36 Lot 20 Phase 1-A, Brgy. North Bay Boulevard South.

Matapos iabot ni Ymas ang sampung piraso ng bala ng 12 gauge shotgun sa isang police na nagpanggap na buyer kapalit ng P300 marked money agad inaresto ng mga operatiba ang suspek.

Habang naaresto din sa operation si Melinda Lafuente, 49-anyos; Rexly Illustrisimo, 35; Diane Genodia, 33; Owen Gabito, 34; Judy Anne Mariel Lafuente, 22; Joan Mansueto, 38-anyos, na aktong sumisinghot ng shabu sa loob ng isang bahay na ginagawang drug den. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy