Una sa Balita

7 ginto ipipinta ni Yulo sa SEA Games

0 305

HINDI lamang sa 2020 Tokyo Olympics iniha­handa ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) ang 18-anyos­ na si Carlos Edriel “Caloy” Yulo kundi sa posibleng pagwawagi nito ng pitong gintong medalya sa pag-host ng bansa sa ikaapat na pagkakataon sa Southeast Asian Games sa Nobyembre.

Sinabi ni GAP president Cynthia Carrion na nakatakdang sumabak buong taon ang World Championships bronze medalist na si Yulo sa inihandang torneo sa South Korea na siyang magiging preparasyon at pagsasanay nito para sa ika-30 edisyon ng SEA Games ngayong 2019 at sa pagsabak sa qualifying­ para sa Olympics.

“Year 2018 has been successful for us, and we hope for much, much more success in 2019, because of Caloy. I feel in 2019, we are going to be much better, and have a good year,” sabi ni Carrion, habang ipinaliwanag ang imbitasyon ni Yulo para sumabak sa mga isasagawang torneo sa Korea.

“Caloy has been invited to join some international tournaments in Korea, all of it for free. They are going to shoulder all the expenses. They want to invite Caloy in all of their tournaments for free, so why not? Sayang kasi hindi na gagastos pa kami,” sabi ni Carrion.

Kasalukuyan naman nagsasanay sa Amerika ang ilang kababaihan nitong miyembro para sa posibleng pagdagdag sa masusungkit na gintong medalya ng bansa sa pag­lalabanang kabuuang 19 sa SEA Games na gaganapin mismo sa Rizal Gymnastics Center simula Nobyembre 30 hanggang 11.

“The teams are training­ hard now. We have a lot of good potentials in our girls pool. I hope the PSC and POC will help us, so we can contribute a lot in winning medals,” sabi pa ni Carrion habang optimistiko na makakapagwagi ng maraming medalya kung hindi man pito kay Yulo at kasamahan nila na si Reyland Capellan.

“Sorry na lang sila, now that we are now hosting the SEA Games. Caloy will be out there to dominate. Our girls are training in the US, they are training hard there although we are lacking event for the girls,” sabi ni Carrion.

Kabuuang 19 na gintong medalya ang pag­lalaban sa Gymnastics sa SEA Games kung saan may pitong events ang nakata sa men’s artistic, apat sa women’s artistics, lima sa rhythmic at tatlo sa aerobics.

“We also had a good team in Trampoline for a good chance for one more gold but the SEA Games Federation does not want to add more events,” sabi pa ni Carrion. (Lito Oredo)