7 ex-cops huli sa kidnap at robbery

By

Pitong pulis na da­ting miyembro ng Angeles City Police na nadismis sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa kasong kidnap-for-ransom at robbery-extortion sa tatlong Korean national ang dinakip ng awtoridad sa isinagawang manhunt operation sa Ange­les City, Pampanga kamakalawa.

Ayon kay P/Senior Supt. Enrico H. Vargas, director ng Angeles City police, ang mga nadakip na ex-cops ay sina Roentjen Domingo, 39, ng Malino Ville Subdivision, San Fernando City; Jose Yumul Jr., 34, ng Barangay Mawaque, Mabalacat; Rommel Manic­dao, 39, ng Barangay San Pablo, Magalang, pawang sa Pampanga.

Nasakote din ang apat na nakadetine sa Angeles City District Jail sa Camp Thomas J. Pepito.
Dinakip sila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Ireneo Pa­ngilinan Jr. ng Branch 58 ng Angeles Regional Trial Court dahil sa mga kasong kidnapping for ransom at robbery na walang inirekomendang piyansa.

SHARE