Una sa Balita

7 drug suspect sa Bulacan arestado

By
0 221

PITONG katao ang nadakip ng pulisya,nakumpiskahan ng shabu at pinatuyong dahon ng marijuana sa anti-illegal drugs operation ng Bulacan PNP sa magkakahiwalay sa Bulacan kahapon.

Kinilala ni P/Senior Supt. Chito G. Bersaluna, Bulacan police director ang mga nasakoteng sina Michael Sevilla,Jerrybee Manzano,Ronilo Morada,Ryan de Guzman,Edwin Garcia,Jake Villena at Francis Santos na pawang nakapiit matapos makorner sa nasabing mga munisipalidad.

Nabatid na sunod-sunod na nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya matapos ang week-long surveillance operation kaya nadakip ang pitong suspek na sangkot sa droga sa mga bayan ng Bulakan,Sta.Maria at Bustos at nakuha sa kanila ang sampung pakete ng shabu,isang medium size na pakete ng damo at mga buy-bust money.

Nahaharap sa mga kasong pag­labag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 ang mga nadakip na suspek habang tiniyak ng pulisya na lalo pa nilang paiigtingin ang kampanya laban sa droga sa susunod na mga araw hanggang sa huling araw ng taong ito sa tatlong siyudad at 21 ba­yan sa Bulacan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy