Una sa Balita

7 drug pusher sa Bulacan nadakip

By
0 6

Pitong shabu pusher kabilang ang dalawang babae ang nadakip ng pulisya kung saan aabot sa 40 pakete ng shabu ang narekober sa serye ng buy-bust operation sa bayan ng Bustos, Marilao, Pulilan at Meycauayan City, Bulacan kamakalawa.

Base sa report ni P Senior/Supt. Romeo M. Caramat Jr., Bulacan police director, dalawang pusher ang nadakip sa bayan ng Bustos, dalawa sa Pulilan, dalawa din sa Meycauayan City at isa sa Marilao na pawang nakadetine ngayon.

Kabilang sa mga nadakip ay kinilala ni P/Supt. Victor G. Bernabe, Bustos police chief, na sina John Michael Lanozo, Rose Ann Petilo, Rogelio Dela Cruz, Niño De Guia, Elizabeth Gallardo, Moly Juan at Dindo Zamora alyas ‘Negro’.

Ang mga nadakip ay kaagad na dinala sa PNP Crime Laboratory sa Malolos City upang ipasailalim sa drug test gayundin ang ang mga narekober na shabu at marked money. Kaagad silang ipinagharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy ang Bulacan Police sa illegal drugs operation at sa maigting na kampanyang ‘Project Double Barrel Reloaded’ gayundin sa pagtugis sa mga kriminal base sa direktiba ng Police Regional Office 3.