Una sa Balita

7 Chinese nakorner sa kidnap try

0 367

Naaresto ng tauhan ng Plaza Miranda Police Community Precint ang pitong Chinese national na nagtangkang dumukot sa isa nilang kabaro at babaeng Taiwa­nese kamakalawa nang gabi sa labas ng Sun Star Grand Hotel sa Quezon Boulevard, Quiapo, Maynila.

Itinurn-over sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang mga suspek na sina Fen Xiu Tian, 24-anyos; Kang Xin Hang, 30; Li Dong, 22; Yao Shu, 22; Li You Bang, 28; Li Binf, 20, at Chan Dang, 28, pawang residente ng 20th Floor Medical Plaza sa Amorsolo St., Legazpi Village, Makati City.

Sa imbestigasyon ng GAIS, alas-6:20 nang gabi nang maganap ang tangkang pagdukot kina Xu Jun, 30, Chinese national at Chloe Yuan, 35, Taiwanese.

Nakatakda umanong mag-check in ang dalawang biktima sa nabanggit na hotel pero dahil fully booked na ay inatasan nila ang isang empleyado ng hotel na magpa-book sa Grab para ihatid sila sa Eurotel Las Piñas City.

Pagdating ng sasakyan, mabilis silang sumakay pero kinaladkad sila patungo sa loob ng nakaabang na silver Toyota Hiace Grandia na may conduction sticker P4 W167.

Agad namang naitawag sa Plaza Miranda PCP ang komosyon kaya naaresto ang mga suspek.

Inaalam pa ng pulisya kung may kinalaman sa utang sa casino ang tangkang pagkidnap. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy