Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

7 China vessel pinalayas sa Palawan

0 111

Pitong barko mula China ang pinalayas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Sabina Shoal na pasok sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ito ang inihayag kahapon ni PCG spokesperson Commodore Armando Balilo.

Sinabi ni Balilo na nataon na nag-iikot ang barkong BRP Cabra at dalawa pang barko ng BFAR nang makita nila ang mga barko ng alas-9:00 ng umaga noong Abril 27.

Malapit lang ito sa Pilipinas, dahil halos 120 kilometro lang ang Sabina Shoal mula sa Mapankal Point sa Rizal, Palawan.

Napag-alaman na nakaangkla pa ang mga barko na nadiskubreng mga China maritime militia vessel.

SM food to go Banner Ad

Agad na nagsagawa ng “radio challenge” ang Coast Guard sa mga barko, para igiit na nasa Philippine EEZ ang mga ito at pinagpapakilala sila.

Hiningi rin ng Pilipinas ang pangalan ng mga barko at inalam kung bakit naroon sila at kung saan sila nanggaling at patungo.

Pero sa tatlong beses na hindi pagsagot sa radyo ay lumapit na ang PCG at BFAR, at nagpaandar ng makina at saka umalis ang tropa ng China.

Magugunitang nitong nagdaang Marso ay mahigit 200 na barko sa Julian Felipe or Whitsun Reef ang naispatan.

Nitong nagdaang Abril ay may nangyari ring paghahamon ng barko ng Chinese military sa isang sasakyan ng mga Pilipinong mangi­ngisda kung saan nataon naman na kasama ng ABS-CBN news team na patungong Ayungin Shoal. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.