Una sa Balita

#7 bokya vote ni Ping: Senatoriable na balimbing

By
0 860

MAIHAHALINTULAD ang kandidatong ito sa pagka-senador sa averrhoa carambola, siyentipikong pangalan ng prutas na star fruit o balimbing, ayon kay Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson.

Sa tweet ni Lacson nitong Biyernes, binanggit nitong bihasa sa pag-uugaling balimbing kara ang kandidatong ito.
Matitiyak din ang presensya ng kandidatong hindi pinangalanan ni Lacson sa kanyang tweet sa mga lugar na may magandang panahon.

“Candidates who won’t get my vote – Candidate No. 7: Wherever the weather is fine, he’s there for sure. He is a certified “Averrhoa carambola” a.k.a. ‘balimbing’,” ayon sa tweet ni Lacson.

Ito na ang ikapitong hulaan portion ni Lacson sa kanyang twitter account.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More