Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

7 barangay sa Zambo binaha

0 266

BINAHA ang nasa pitong barangay sa Zamboanga City kahapon dahil na rin sa walang tigil na pag-ulan.

Sa report, Martes pa nagsimula ang ulan pero nagtuloy-tuloy ito hanggang Miyerkules ng umaga.

Dahil sa insidente ay binaha ang mga barangay Tumaga, Pasonanca, Tugbungan, Guiwan, Sangali, Bunguiao at Bolong.
Paliwanag naman ng PAGASA, sanhi ito ng tinatawag na intertropical convergence zone o ITCZ.

Nataon din na umapaw ang tubig sa mga ilog kaya bumaha.
Sa ngayon ay inaalam pa rin ang bilang ng mga apektadong pamilya.
Wala na ring kuryente sa mga apektadong barangay kasunod ng emergency switch off ng Zambcelco, para makaiwas sa aksidente. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.