Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

7 barangay sa Bohol binaha

0 128

Lubog sa baha ang pitong barangay sa Bohol dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan.

Kabilang sa mga residenteng naapektuhan sa baha nitong Martes ng umaga ay ang Can-upao, Bungamar, Bunga Ilaya, Poblacion, Sitio Balbalan sa Barangay Pangdan, Tejero, Pagina, at Looc.

Ayon kay Councilor Anthony Aniscal, maging ang tennis court na malapit sa town hall ay binaha kung saan pati mga cottage sa Can-uba Public Beach ay na-wash out.

Maging ang Purok 5 sa Kalipay Compound sa Barangay Can-upao ay binaha na umabot hanggang tuhod.

Wala namang naitalang nasugatan o nasawi at ilang oras lang ang nakalipas ay humupa na rin ang tubig.

Leave A Reply

Your email address will not be published.