Una sa Balita

7 bahay naabo sa yosi

0 235

NAABO ang pitong bahay na pawang gawa sa light materials matapos na sumiklab ang isang sunog dahil sa itinapong upos ng sigaril­yo sa isang basurahan kamakalawa nang gabi sa Malate, Maynila.

Ayon sa Manila Police District-Malate Police Station 9 (MPD-PS-9), 14 na pamilya ang nawalan ng tira­han matapos na sumiklab ang sunog dakong alas-8:45 nang gabi sa may Kalayaan St. sa Leveriza, Malate.

Nabatid kay Fire Insp. Lowie Puno ng Intramuros Fire Station, nahirapan din silang apu­lain ang apoy dahil masikip ang daan sa lugar.

Nalaman na upos ng sigarilyo na mayroon pang natitirang baga at itinapon sa basura­han ang pinagmulan ng sunog.

Nabatid na alas-11:18 nang gabi nang ideklarang fire out ang sunog. Wala namang iniulat na nasawi o nasugatan.

Tinatayang aabot naman sa P60,000 ang halaga ng mga ari-ariang tinupok ng apoy. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy