Una sa Balita

7 bagong Santo para sa simbahan!

By ,
0 259

Isinagawa ni Pope Francis ang cano­nization ng pintong bagong santo ng Simbahan noong Linggo. Dinumog ng humigit kumulang pitumpung libong pilgrims ang St. Peter’s Square, karamihan ay mga deboto ni Blessed Pope Paul VI at Blessed Oscar Romero na nanguna sa grupo ng pinakabagong pintakasi ng Iglesya. 

Kapwa kontrobersiyal ang pagsama ni Papa Francisco sa roster ng mga santo ng Simbahan kay Pablo VI na nagbalangkas ng opisyal na posisyon ng Iglesya Katolika laban sa makabagong pamamaraan ng pagpipigil ng pagbubuntis at kay Arsobispo Romero ng El Salvador na kilalang tagatangkilik ng ‘Libe­ration Theology’. 

Ang nasabing pagkilala bilang ‘santo’ kay Pope Paul VI  ayon kay Francisco ay pasasa­lamat sa mga kontribusyon nito at pagdala sa Simbahan sa makabagong panahon sa pamamagitan ng pagbabagong dulot ng Second Vatican Council na sinimulan si Papa San Juan XXIII noong Dekada ’60.

Pinuri ni Papa Francisco sa  kanyang homi­liya ang kauna-unahang Santo ng El Salvador at sinabing, “Archbishop Romero left the security of the world, even his own safety, in order to give his life accor­ding to the Gospel, close to the poor and to his people!” 

Matatandaaan, binaril at namatay si Archbishop Romero sa bala ng kanyang mga assassin habang nagmisa sa loob mismo ng kanyang katedral 38 taon na ang nakalilipas. Pinagtanggol ni Pope Francis ang bagong santo: “Romero wasn’t communist; he wasn’t a man of the guerilla; he was a pastor!” aniya. 

Gamit ang Papal Staff ni Saint Paul VI sa Misa ipinahayag ni Francis ang kanyang paghanga sa awtor ng ‘Humanae Vitae’: “Paul VI spent his life for Christ’s Gospel, crossing new bounda­ries and becoming its witness in proclamation and in dialogue, a prophet of a Church turned outward, loo­king for those few away and taking care of the poor.” 

Lubos na ikinatuwa ng marami ang sabay na pag-akyat sa altar nina San Pablo VI at San Oscar Romero. Saad ng mga dalubhasa sa Teolohiya, ang magkasamang pagpaparangal sa dalawa ay nagni­ningning na ehemplo ng ‘theory and practice, uniting in one’ at malinaw na ‘trademark’ ng kasalukuyang Papa -‘putting the poor and the weakest first!’  

Sa wakas, ang pagtatanghal bilang ganap na mga santo sa dalawang pinagpipitaganang lider ng Siglo XX ay nagsisilbing hamon sa kasalukuyang pamunuan ng Iglesya na tularan ang kanilang ipinamalas na malasakit at kabutihan, kabanalan at pakiki-pagkapwa sa gitna ng presyon dala ng mag­kabagong mundo.

Kasamang kinilala bilang mga ‘banal’ ng Iglesya Katolika ni Arsobispo Romero at Pablo VI noong Linggo sina Francesco Spinelli at Vincenzo Romano, mga paring diocesano; Maria Katharina Kasper at Nazario de Santa Teresa de Jesus, mga Taga­pagtatag ng religious order; at si Nunzio Sulprizio, isang modelo ng kabataang Italyano.