Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

7 araw walang kuryente sa NCR, 3 probinsya

0 251

Pitong araw na mawawalan ng kuryente sa service area ng Manila Electric Company (Meralco) mula Laguna hanggang Pampanga at ilang lugar sa National Capital Region (NCR) simula sa September 29 hanggang October 5 dahil sa mga kinukumpuni nitong mga kable at facilities.

Sa September 29, mawawalan ng kuryente sa Victoria, Laguna . Gayundin sa ilang lugar sa Quezon City.

September 30 naman ay mawawalan ng kuryente sa Tala, Caloocan City dahil magpapalit ng poste at sa Naic, Cavite dahil magkukumpuni ng linya.

Kasama rin ang Sto. Nino sa Paranaque City at ilang barangay na walang kuryente sa September 30 dahil iuurong ang mga poste ng Meralco para sa ginagawang proyekto ng DPWH.

SM food to go Banner Ad

Sa October 1, ang Imus City naman sa Cavite ang mawawalan ng kuryente dahil magpapalit ng poste ang Meralco.

Oktubre 1at 2 din mawawalan ng kuryente sa Grace Park, Caloocan dahil rin sa poste ng Meralco.

Ang Addition Hills at Pleasant Hills, Mandaluyong ay kasama rin sa walang kuryente ng ilang oras sa Oct 1 at 2 habang Oct 3 at 4 sa Diliman sa Quezon City.

Magsasagawa naman ng maintenance works ang Meralco sa San Miguel substation nito sa Bulacan at mawawalan ng kuryente sa Candaba sa Pampanga at San Ildefeonso at San Miguel sa Bulacan mula 11:15pm hanggang 11:59 pm ng October 3 at 6:01am hanggang 6:45 am ng October 4.

Wala ring kuryente sa Gen. Trias, Cavite mula 4:30am hanggang 5am sa October 4 at muli ng 4:30am hanggang 5am sa October 5 dahil sap ag-u-upgrade ng transmission lines sa lugar. (Eileen Mencias)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.